Wednesday, February 23, 2005
badtrip. badtrip talaga.
alam ko hindi dapat ako nagboblog ngayon, kasi tambak na sa dami yung kailangan kong tapusin. gusto ko lang maglabas ng loob total blog ko naman to.
gabi-gabi kumakahol pa rin ako. hindi ko alam kung dahil to sa pagod o dahil laging masama loob ko sa maraming bagay at maraming tao. badtrip.
bukod pa sa dami ng dapat kong gawin andyan pa yung mga taong sagabal sa buhay ko:
yung tipong wala ka namang ginagawa pero kung ano-ano na iniisip tungkol sa iyo. hindi mo lang ngitian masungit ka na. ngitian mo lang pacute ka na. mag miniskirt ka lang malandi ka na. e p*ta! uupo na lang ako sa isang tabi para wala na silang masabi. palibhasa mas madali nga naman na mag-isip ng ganun kaysa sa intindihin ako. kasi kahit ano namang paliwanag ng iba na hindi ako ganoon, paniniwalaan nila yung gusto nilang paniwalaan.
andyan rin yung akala mo kaibigan mo pero tatalikuran ka. nakalingat ka lang ng konti hindi mo na siya makilala. masaklap pa sa lahat, ikukumpara ka pa sa iba. pasensya na hindi ako tulad ng iba. baka hindi ako masayang kasama. hindi ko maintindihan kung kelan ako nagkulang sa pagiging kaibigan. natatakbuhan naman ako pag may kailangan, minsan nga ako pa yung lalapit. pero kibit-balikat ka kapag kailangan kita. kung tutuusin kung hindi kita mahal bilang kaibigan, hindi ko na dapat pang pagtiisan yung ugali mo. hindi ko naman kasi kailangan ng katulad mo.
kahit kailan hindi ako nagkaroon ng intensyon na manakit ng iba. ultimo kaaway ko pinagdadasal ko pa. bakit kailangan akong saktan?
badtrip.
idadaan ko na lang sa dasal to.
pixie
+ is a not your average girl at +
1:40 PM
0 blabs
+ + +