Tuesday, January 04, 2005

ONE MORE DAY TILL SCHOOL STARTS

accck. vacation is over. whaaa.. it's been that long? this is probably going to be my last post for the weeks to come, for i'll be sure to be swamped with work when school starts. hindi pa nga nagsastart meron na akong kelangan gawin eh!

i still haven't worked on my personal essay in filipino. i rarely procrastinate because i'm an OC person, but when it comes to filipino, i try to delay it for as long as i can. i dread this subject. so for my personal essay, ive decided to practice here on my blog.

Babala: Mahaba ang sumusunod na sanaysay. Paalala: Huwag laitin ang aking sinulat, parang awa niyo na.

Kahapon, araw ng Linggo, ay nagtungo kami ng aking pamilya sa Podyum (o dba pati yun tinagalog) upang mananghalian. Hindi ko namalayang kay dami na pala ng aking nakain, hanggang sa lumobo na lang ang aking tiyan at hindi na ako makatayo. Madalas itong mangyari sa akin, kaya't hindi naman ako nabahala. Biro nga ng nanay ko sa akin na para raw akong isang biik - hindi na makatayo pagkatapos kumain, kadalasan ay nakakatulog pa ako. Kay seksi ko namang biik, ika ko (ang kapal dba), kaya't tawag niya na lang sa akin ay batugan.

Pagkatapos mananghalian ay naglibot-libot muna kami sa loob ng Podyum. Bumili ng basketbol ang aking tatay para sa aking batang kapatid. Ilang araw pa lamang ang nakararaan noong ibinili niya ito ng bola, ngunit gumulong ito palabas ng garahe at hindi na muling nakita pa. Kaninang hapon nga raw, namataan nila ang isang kahawig na bola na pinaglalaruan ng mga kalalakihang lalaki sa park ng Valle 6.

Habang naglilibot sa Podyum ay nakaramdam akong tawag ng kalikasan. Nagtungo ako sa palikurang pambabae upang umihi. Pagkatapos ay pumunta ako sa lababo upang maghugas ng aking kamay. Binuksan ko ang gripong de pindot at iniumang ang aking mga kamay. Ngunit napalapit yata masyado ang aking kamay at tumalsik ang tubig! Sa kasawiang palad, may isang babaeng naghuhugas ng kamay sa tabi ko at natalsikan siya - sa mukha, sa kanyang salamin at lalong lalo na sa kanyang damit. Ang nasabi ko lamang ay "Sorry miss! I'm so sorry! (Paumanhin, binibini! Paumanhin!)" Binigyan niya ako ng isang pilit na ngiti. Nararamdaman kong kung wala kami sa isang pampublikong lugar ay malamang na napatay na niya ako. Pagkatapos kong tuyuin ang aking kamay, ay kumaripas na ako ng takbo palabas.

At hindi pa diyan natapos ang gulo! Pagsakay namin sa elebeytor, ay namalayan naming nawawala ang isa kong kapatid na si Bertha, na 5 taong gulang pa lamang! Naaalala kong nagpaalam siya sandali upang tumingin ng laruan. Samantala, nagtungo kami sa Nayki Parke (o Nike Park para sa mga islow dyan..haha) upang bilhin nga ang nabanggit na bola. Nilibot ng aking ama ang buong Podyum - at natagpuan ang aking kapatid na nakikipag-tsikahan sa mga babaeng tigapagtaguyod (promo girls) ng Addict Mobile (ayaw ko nang tagalugin pa ito).

Dito ko na lamang tatapusin ito, dahil napahaba na masyado, at napapagod na ako. Mukhang mahihirapan ako sa aking personal na sanaysay, dahil 5 pahina iyon. Sana'y mapulutan niyo ng aral ang sanaysay kong ito.. at huwag sanang laitin ang ano mang maling paggamit ng balarila na aking nagawa. Gagawin ko ang aking makakaya.. at nawa'y tulungan ako ng Panginoon. =)




pixie
+ is a not your average girl at +
1:03 AM
Post a Comment
0 blabs


+ + +




Powered by TagBoard Message Board
Name

URL or Email

Messages(smilies)


::VISITS::

bombshell visits